P500k pabuya, inilabas kapalit sa pag-aresto kay Palparan


By on 1:40 PM

Naglaan na ang gobyerno ng P500,000 pabuya sa kung sino mang makapagbibigay ng impormasyong makatutulong sa pagdakip kay retired Army general Jovito Palparan.

Ayon kay Interior Secretary Jesse Robredo, ang pabuya ay manggagaling sa Philippine National Police, isang ahensya sa ilalim ng DILG.

"[The] PNP is offering reward money of P0.5 million for anyone who will be able to provide information for the capture of MGen. Jovito Palparan," ani Robredo.

Kasalakuyan pang nagtatago si Palparan matapos maglabas ang ang Bulacan court ng arrest warrant laban kay Palparan at tatlo pa niyang kasabwat umano sa kasong kidnapping at serious illegal detention ng dalawang aktibistang mag-aaral noong 2006.

Nai-ugnay din siya sa ilang pagpatay at pagkawala umano ng ilang mga aktibista habang nasa militar pa siya.

Nitong Martes ng umaga, sinabi ni National Police chief Director General Nicanor Bartolome na may surrender feelers na silang natatanggap mula sa kampo ni Palparan at may mga emisaryo na ring lumalapit para sa umano'y pagsuko ng dating Army general.

Hindi naman pinangalanan ni Bartolome kung sino ang mga emisaryong tintutukoy niya.

Samantala, nagsimula nang magpaskil ng "Wanted Palparan" posters, kung saan mayroong imahe ni Palparan, ang ilang militant rights group upang matulungan ang mga awtoridad sa paghahanap sa pugante.

Sa ulat ng dzBB nitong Martes, inihayag ng grupo na mahalaga umanong ilabas ang posters na ito upang tulungan ang publiko sa pagkilala kay Palparan. Mapapadali nito ang paghahanap sa kanya