Amalia Fuentes, hinataw umano ng payong ng kanyang tenants


By on 4:59 AM

Plano ng dating aktres na si Amalia Fuentes na kasuhan ng tangkang pagpatay ang dalawa niyang tenants dahil sa ginawa umanong pananakit sa kanya at sa kanyang anak.

Sa ulat ng GMA News TV’s Balitanghali nitong Huwebes, sinabi ng dating aktres na nagpunta sila ng kanyang anak na si Jeric Stevens sa pinapaupahan nilang bahay para ibigay sa kanilang tenants ang photocopy ng mga tumalbog na tseke na ibinayad daw sa renta.

Sa gitna ng pag-uusap, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang kanyang anak at kanilang tenants dahil sa ginawang pananakit umano ng mga tauhan nito.

Ngunit maging si Amalia ay gusto raw saktan ng tenant kaya sinunggaban na ito ni Jeric. Habang nagkakagulo, hinataw umano ng payong si Amalia ng asawa ng tenant.

Samantala, kinalabit naman daw ng isang driver ng tenant ang isang baril ngunit nagka-abelya ito.

Sinusubukan pa rin ng GMA News na makuha ang panig ng mga mag-asawang tenant ni Amalia.