Carla Abellana returns to work after hospital confinement; My Husband's Lover to end in October


By on 3:11 AM

Nakabalik na sa trabaho si Carla Abellana matapos ma-confine sa ospital ng ilang araw dulot ng lagnat at ubo.

Ang appearance niya sa Sunday All Stars noong Linggo, August 11, ang unang live appearance niya matapos siyang magkasakit.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa dressing room nila ng ilang co-stars niya sa show.


Ayon sa aktres, ubo at konting pangangati na lang ng lalamunan ang nararamdaman niya. “Pero much better kumpara nung mga nakaraang araw.”

Ano nga ba ang nangyari sa kanya?

Kuwento ni Carla, “Kasi more than one week na akong may ubo at sipon. Tapos nag-mall show kami sa Cebu, nag-regional kami. 

“Nawala yung boses ko the day of the regional after naming kumanta.

“Tapos laging nabibilad yung likod sa lamig, laging backless ang suot… yung mga gano’n.   

“So, laging nakatapat yung blower sa likod dahil nag-TVC shoot ako. Kailangang i-blower yung likod nang malakas.

“Tapos, laging puyat. Halos walang tigil at all. 

“So, bumigay na yung katawan ko nung Saturday ng gabi. Medyo nanghina na ako. Nilagyan na ako ng dextrose.

“Basically, fatigue. Napagod talaga, bumigay yung katawan ko.”

NOT THE FIRST TIME. Mukhang pumayat si Carla pero, ayon sa kanya, hindi naman nalaglag nang husto ang kanyang pangangatawan.

“Nagkasakit kasi ako pero lately kumakain na ako, bumabawi. Kasi nanghihina ako, e.  

“May mga time na nagkaka-headache pa rin ako kahit sa taping.”

First time ba na nagkasakit siya ng ganito katindi?

Sabi ni Carla, “Hindi naman. Every year nangyayari sa akin ‘yan… totoo talaga. 

“Yun lang ang pahinga ko kapag naospital na. 

“Nangyayari talaga yun pag nagsasabay yung taping at may shoots ng movie in between.

“Pag nagkakasabay-sabay talaga, napapagod yung katawan ko, bumibigay.

“Pansin mo, parang every year siyang nangyayari.”

Hindi ba naapektuhan ang taping niya para sa primetime series na My Husband’s Lover?

“Hindi naman naapektuhan. Pero alam kong dahil nagkasakit ako, medyo naghahabol kami ng mga eksena…

“Not because of nagkasakit ako or anything, pero lagi naman kaming naghahabol ng eksena.

“Hindi naman talaga masyadong naapektuhan yung taping.”

AWAY from GEOFF. Ano ang naging reaksiyon ng boyfriend niyang si Geoff Eigenmann nang malaman nitong isinugod si Carla sa ospital? 

“Sabi nga niya, ‘Kung kailan umalis ako, doon ka pa nagkasakit.’ Nasa Las Vegas siya ngayon. 

“So, one time, may sakit pa ako, naalagaan pa niya ako. Nagbigay siya ng gamot, nag-iwan pa siya ng gamot, ng calamansi juice. Tapos umalis na siya.

“So, dun na ako nagkasakit. Ano ba ‘yan, kung kailan wala si Geoff, doon pa ako nagkasakit!

“’Ano ‘yan,’ sabi niya, ‘dahil sa taping 'yan. Siyempr pagod ka at puyat. Tapos lagi ka pang nauulanan, nakabilad pa yung likod mo.'

“Sabi niya, ‘Alam naman nila ‘yan, e. Bibigay talaga yung katawan mo eventually.”

Tanggap naman daw ni Carla na magkasakit siya sa pagtatrabaho kaysa wala raw siyang ginagawa.

Saad pa niya, “Kaya lang naman tayo nagkakasakit dahil nabubugbog ang katawan natin sa trabaho.

“Mas maganda na yung ganon kaysa naman wala akong ginawa tapos nagkakasakit ka.”
 
UNTIL OCTOBER. Ibinalita rin ni Carla sa PEP na hanggang October na lang ang My Husband’s Lover. Ibig sabihin, magwawakas na ang hit primetime soap na pinagbibidahan nila nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

Kapag naiisip niya bang magtatapos na ang kanilang soap ay nalulungkot siya?

Sagot ni Carla, “Siyempre, technically, always halfway through the show na kami, e, kung tutuusin.

“Pero nakakalungkot kasi parang ayaw kong dumating yung araw na yun. Parang gusto ko i-stop yung time. 

“Ayokong tumakbo yung oras. Ang bilis, e.

“Sabi nila pag nag-e-enjoy ka, mas bumibilis yung takbo ng oras, ng panahon.

“And maganda, naitawid namin nang walang issue yung show namin. Kasi maingat din naman kami.”

Sinadya ba ng GMA-7 na wakasan ang serye habang mataas pa ang ratings nito at nang hindi na lumaylay ang flow ng kuwento?

“Hindi naman,” tugon ni Carla. "Na-extend kami ng three weeks kasi the show is doing good. 

“Pero si Ma’am Suzette [Doctolero, head writer] na rin ang nagsabi na, ‘Hindi natin pipiliting pahabain ang show just because hit siya, maganda siya. Hindi ibig sabihin e pahahabain natin nang pahahabain.’

“May katapusan ang show. May ending na yung story umpisa pa lang ng My Husband’s Lover, hindi raw nila pipilting pahabain kasi papangit lang.”

Ano ang susunod na magaganap sa kanyang acting career pagkatapos ng My Husband’s Lover?

Ayon kay Carla, “May movie ako… actually movies. 

“May movie ako with Tom Rodriguez under Regal Films. Tentative yung title, Just the Way You Are. Bibilhin muna namin kay Bruno Mars yung title. 

“This around September or October. So, pagkatapos ng My Husband’s Lover, may movie kaagad na lalabas.”

Ngayong araw, August 13, inaasahang uumpisahan ang shooting ng pelikula nina Carla at Tom kung magiging maayos na ang panahon.

May halong gay angle ba ang theme ng movie?

“Ay, wala. Super cute lang ng story, feel good, funny, romantic yung movie. Kaming dalawa lang ni Tom.”

Hindi ba nakaka-tense dahil sila ni Tom ang magka-loveteam dito?

“Hindi. Kasi magandang pahinga mula sa bigat at drama ng soap. Magaan at masaya naman yung movie.

“Yung isa naman, hindi ko pa nababasa ang script, horror siya, under Regal Films pa rin. 

“And sana kung kakayanin, maipalabas na rin siya by the end of the year or baka early next year. Kasi marami akong naka-lineup na movies, apat na yata yun.”