Cesar Montano at Sunshine Cruz, nagharap na sa korte


By on 5:59 AM

Manila, Philippines : Nagkaharap na ang nag-iiringang mag-asawa na sina Cesar Montano at Sunshine Cruz nitong Huwebes nang dinggin sa Quezon City Regional Trial Court ang permanent protection order  (PPO) na inihain ng aktres sa kanyang estranged husband.

Kasamang nagtungo ni Cesar sa korte ang kanilang tatlong anak na babae, na una nang inireklamo ni Sunshine na hindi niya nakikita mula noong July 29.



Kabilang sa pinagtatalunan ng mag-asawa ay ang kostudiya sa kanilang mga anak matapos igiit ni Sunshine na ayaw na niyang makasama ang aktor.

Kamakailan lang ay kinasuhan ng aktres si Cesar nang paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children act dahil sa umano'y pang-aabuso sa kanya.  Kabilang sa alegasyon ni Sunshine ay ang ginawang panghahalay sa kanya ng mister noong nakaraang Mayo.

Mariin namang itinanggi ng kampo ni Cesar ang lahat ng alegasyon ng asawa.

Bagaman tumangging magbigay ng panayam sa media, sinabi ni Cesar na ipaglalaban niya ang kanyang karapatan para sa kostudiya ng kanilang mga anak.