Claudine Barretto files violation of R.A. 9262 against husband Raymart Santiago


By on 6:12 AM

Nagsampa ng kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act si Claudine Barretto laban sa asawang Raymart Santiago.
Isinampa ng aktres ang kaso kaninang umaga, August 29, sa tanggapan ni Deputy City Prosecutor Linda Adame-Conos ng Marikina Regional Trial Court.
Sinamahan si Claudine ng kanyang magulang na sina Miguel at Estrella "Inday" Barretto, ng kapatid na si Mitchie, at ng legal counsel niyang si Atty. Ferdie Topacio.
 
Suportado rin si Claudine ng women's group na Gabriela na ni-represent ng secretary general na si Jovita Montes.
May ilang fans din ang aktres na naghintay sa labas ng Marikina Hall of Justice.
Ang legal counsel ng Gabriela na si Atty. Junelet Mataro ang abugado ni Claudine sa kasong ito na isinampa niya laban sa kanyang asawa.
CLAUDINE'S PARENTS. Bago isinumite at sinumpaan ng aktres ang kanyang affidavit, sandaling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Claudine at ang mga magulang nito.
Sabi ni Claudine patungkol sa kanyang mga magulang, “Hindi na dapat nila napapagdaanan ang ganito.
"Nahihiya ako na kailangan pa nila pagdaanan yung mapasok sa ganitong sitwasyon.”
Paulit-ulit na humingi ng paumanhin si Claudine sa kanyang magulang dahil nadadamay raw ang mga ito sa gulo nilang mag-asawa.
Pero sinasagot naman ito ni Mommy Inday ng: “It’s okay. Ako pa!”
Yumakap si Claudine sa kanyang ama at paulit-ulit itong sinasabihan ni Mr. Barretto ng: “Be strong.”
Pahayag pa ng ama ni Claudine, “We’re just here to support her.
“We’re trying to be strong, but we’re here for Claudine all the way against everyone.