Claudine Barretto on Atty. Ferdinand Topacio: "He's my best friend and protector of my kids and I."


By on 6:39 AM

Usap-usapan ngayon ang diumano'y higit pa sa simpleng client-lawyer relationship na ugnayan sa pagitan nina Claudine Barretto at Atty. Ferdinand Topacio.
Si Atty. Topacio ang nagsisilbing legal counsel ng aktres sa mga kasong isinampa nito laban sa kanyang estranged husband na si Raymart Santiago. 
Lalo pang umigting ang bulung-bulungan tungkol sa kanila dahil sa kapansin-pansing kakaibang closeness ngayon nina Atty. Topacio at Claudine base sa palitan nila ng messages at photos na makikita sa Twitter at Instagram accounts ng aktres.
Una na rito ang sunud-sunod na tweets ni Claudine, 34, para kay Atty. Topacio, 47, na tila nagpapahiwatig ng pagiging malapit nila sa isa’t isa.
 
 
 
August 11 nang banggitin ng aktres ang tungkol sa bonding nila ni Atty. Topacio kasama ng mga anak nila ni Raymart na sina Sabina at Santino.
Ani Claudine, “@FerdieTopacio Thank u Tito Ferdie for Dinner and spending time wid d kids thank u for Ice cream-Clau, Sab &Saint."
August 12 nang ipaabot naman ni Claudine ang good night messages nina Sabina at Santino para kay Atty. Topacio.
“@Ferdie Topacio good night Tito Ferdie I love my mommy From: Sab”
“@Ferdie Topacio-good night from santino have a nice day.”
Noong nakaraang linggo ay makailang beses ding nag-post si Claudine ng mga larawan nila ni Atty. Topacio sa kanyang Instagram account.
Partikular na nakatawag ng pansin ng ilang followers ni Claudine ang kuha niya at ng kanyang mga anak na sina Santino at Sabina kasama si Atty. Topacio sa isang restaurant noong August 22.   
“Atty. Ferdie, Sabina and d very hungry Santino meeting kahit bagyo,” saad ni Claudine sa caption ng nasabing Instagram post.