Itinanghal si Megan Young bilang Miss World sa idinaos na kompetisyon sa Bali, Indonesia nitong Sabado. Si Megan ang unang Pilipina na nakakuha ng korona sa nasabing kompetisyon mula nang sumali ang Pilipinas.
Nakasama ni Megan sa Top 6 ang mga kinatawan ng France, Ghana, Brazil, Spain at Gibraltar, na nakakuha ng People‘s Choice award.
Bago ang tagumpay ni Megan, ang pinakamataas na posisyon na nakuha ng Pilipinas ay ang 1st Runner-up noong 1973 kay Evangeline Pascual.
Noong 2011, nakuha ng pambato nating si Gwendoline Gaelle Ramos Ruais ang 1st Runner-Up Asia & Oceania Continental Queen.
Samantala, nakapasok naman sa Top 15 noong nakaraang taon si Miss World 2012 Philippines Queenierich Rehman.
Kaagad nakapasok sa Top 15 si Megan nang manakasama siya sa Top 10 ng Miss World 2013's Top Model contest kung saan sumampa ang mga kandidata suot ang mga obra ng Indonesian designers.
Megan Young when asked why she must be the next Miss World:
"The Miss World for me treasures the core values of humanity and a guide to understanding people, why they act the way that they do, the way they live their lives, and I will use these core values and my understanding - not only by helping others but to show other people how they can understand others, so that as one, together, we shall help society. Thank you."