Buo ang desisyon ni Ara Mina na ituloy ang kasong inihain niya laban sa kapatid na si Cristine Reyes, sa kabila ng paghingi ng public apology ng huli.
Ayon sa abugado ni Ara na si Atty. Enrique dela Cruz Jr., “Sa huling pag-uusap namin ni Ara, hindi niya tinatanggap yung naging malabnaw na apology ni Cristine.
“Sapagkat, ang sabi ni Cristine, ‘Kung ako man ay nakasakit sa kanya ako’y humihingi ng tawad…’
“Hindi naman niya inaamin na siya’y nagkamali, e.
“Papa'no mo patatawarin ang isang taong hindi naman umaamin na siya ay nagkamali?
“Kung natatandaan natin, yung kaso ay nai-file ni Ara, hindi para kumulekta ng pera, hindi para maghabol ng ano man, kundi upang turuan ng leksyon yung kanyang nakababatang kapatid.
“So, sa kanyang pananaw, hindi siguro dapat pang iatras yung kaso dahil hindi pa naman niya natututunan, e, yung leksyon na dapat niyang matutunan.”
Ayon pa sa abugado ni Ara, hinihintay na lang nila ang resolution mula sa Prosecutor’s Office kung may probable cause ang kasong isinampa ni Ara laban kay Cristine at kung aakyat ito sa korte.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Atty. dela Cruz sa GMA Network Center kahapon, June 29.
CRISTINE’S “APOLOGY.” Pagkatapos makausap ng PEP ang abugado ni Ara ay nakausap din namin ang aktres sa opisina ng iniendorso nitong derm clinic.
Nung napanood daw ni Ara ang interview kay Cristine sa The Buzz, nanlumo raw siya dahil nakikita raw niya sa mga mata ng nakababatang kapatid na galit pa rin ito sa kanya.
(CLICK HERE to read related story.)
Kuwento ni Ara sa PEP, “Nakatulala lang ako ganyan. Parang katulad nung nagpasalamat siya na in-offer niya yung award niya sa akin.”
Ang tinutukoy ni Ara ay ang Box-Office Queen award na napanalunan ni Cristine sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc.
Patuloy ng aktres, “Bukod sa nung nawalan na ako ng tiwala, natabangan na ako, parang hindi na ako naniniwala sa mga sinasabi niya.