Claudine Barreto, isinalang sa witness stand kaugnay sa PPO petition vs Raymart Santiago


By on 6:20 AM

Muling nagharap sa Marikina Regional Trial Court ang mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago kaugnay ng inihaing petisyon na Permanent Protection Order (PPO) ng aktres laban sa aktor.

Sa ulat ni Nelson Canlas sa "Chika Minute" ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing naging mahirap daw kay Claudine ang pagsalang sa witness stand kung saan ikinuwento niya ang mga umano'y pang-aabuso sa kanya ng asawa.




Kasama ng aktres na dumalo sa pagdinig ang kaniyang ina na si Mommy Inday na nalungkot daw nang makita si Raymart sa korte.

Hindi naman iyon itinanggi ng aktor.

"Natural lang iyon. Siguro kahit papaano son-in-law niya ako di ba, may pinagsamahan kami. Wala namang may gustong mangyari 'to di ba?" ayon kay Raymart.