Umaapela ang ilang malalapit na kaibigan ni Michael V sa may mga magagandang loob na mag-donate ng dugo para sa comedian-TV host na may sakit na dengue.
Kasalukuyang naka-confine sa Saint Luke’s Medical Center sa Quezon City ang Eat Bulaga! co-host na dinapuan ng naturang sakit na noong una ay inakala lang nitong “bad flu.”
Sa Instagram account ng Asia’s Songbird na si Regine Velazquez kanina lamang ay nag-post siya ng panawagan ng possible blood donors para kay Bitoy (palayaw ni Michael V.).
Aniya, “Hi guys, our dear friend Bitoy is in need of blood. If you are type B+ please go to st Luke’s QC. Please wee ned your help.”
Sinegundahan naman ito ng asawa ni Regine na si Ogie Alcasid.
Sabi ng singer-songwriter sa kanyang IG account: “our brother needs a male donor of B+ type of blood platelets. Pls go to st Luke’s qc. Ty much.”
Sabi naman ni Bing Loyzaga, misis ni Janno Gibbs: “Please help.”
IN DUE TIME and IN GOD’S GRACE. Matatandaang noong August 14, Miyerkules, ay nag-post si Bitoy sa kanyang Instagram account ng mensahe na nagsasabing mayroon nga siyang dengue.
Aniya, “Dear friends & well-wishers, this DENGUE is persistent. My platelets are now down to 47k & it has made me very weak.
“Much as I’d want to, I don’t think I can accommodate visitors at the moment but your prayers are very welcome.
“In God’s grace, I’ll let you know as soon as my condition gets better.”
Nitong Biyernes ng gabi, August 15, nag-post naman si Ogie sa kanyang IG account ng litrato ni Bitoy sa hospital bed nito na may nakaturok na dextrose.
Mensahe ni Ogie, “Get well my dearest bro!!! In Jesus name, you will be healed and be up and about. Love you.”