Gretchen Barretto claims "43 years of emotional and verbal abuse" from Mommy Inday


By on 9:58 PM

Mas nanaisin pa raw ni Gretchen Barretto ang manahimik kaysa patulan ang masasakit na pahayag ng inang si Estrella "Inday" Barretto patungkol sa kanya.
Kahapon, September 2, ay nag-post sa Instagram si Gretchen ng isang quote na nagsasaad ng ganito: “Knowing when to walk away, is wisdom. Being able to, is courage. Walking away with your head held high is dignity.”
Dagdag pa niya sa caption: “Oh so perfect. self preservation. Loving and respect yourself.”  
Marami ang naniniwala na ito ang mensahe ni Gretchen para sa kanyang ina na kamakailan lang ay tinawag siyang “malicious” at “evil” dahil sa pagkampi nito sa kampo ni Raymart Santiago, na kasalukuyang inilalaban ang shared custody ng mga anak nila ni Claudine Barretto.
 
Sa parehong report na nailathala rito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay inilahad din ng ama ni Gretchen na si Miguel Barretto ang pagkadismaya nito sa kanya.
Sabi ni Mr. Barretto, “Masakit talaga, masakit. Because out of seven, we had some several bad apples, you know.
“I don’t want to destroy them further but… very hard to talk.”
Kasama ni Claudine ang mga magulang nang maghain ang aktres ng kaso laban sa asawang si Raymart sa Marikina Regional Trial Court noong August 29.  
FAVORITISM. Ikinalungkot naman ng ibang Instagram followers ni Gretchen na mismong mga magulang ng aktres ay tila itinatakwil siya at klarong mas pinapaboran ang bunsong kapatid niyang si Claudine.
Ani @miles_dao, “Your parents say you are a bad apple. Did it ever occur to their minds where you came from? What an unfair judgment seeing how obvious it is that they have favoritism. Why would they take side to something so wrong and full of lies? What happened to your family is so horribile and sad. All of these, you have taken with grace. Well done!”
Agad namang sumagot si Gretchen sa kanyang Instagram follower.
Base sa pahayag ng aktres, hindi na nito ikinagulat kung anumang hindi magandang paniniwala ng kanyang mga magulang tungkol sa kanya. 
Ayon pa kay Gretchen, mula noong bata siya ay nakararanas na siya ng “verbal at emotional abuse” mula sa kanyang ina. 
Ito ang kumpletong sagot ni Gretchen: “@myles_dao I can thank God for his mercy never fails. The truth is finally unfolding. I have suffered in silence for 43 years of my life. It has been the most difficult and painful journey. Although the verbal and emotional abuse continue, I pray that I am given the grace to walk away from it all.”
Ilang oras lang ang lumipas ay nag-post muli si Gretchen ng panibagong quote sa kanyang Instagram:
“Some people can be mean and treat you poorly. Don’t take it personally. It says nothing about you but a lot about them.”
Saad pa ng aktres sa caption, “So true.”
SUPPORT FROM SISTER. Samantala, nananatiling matatag ang relasyon ni Gretchen sa kapatid nitong si Marjorie Barretto sa gitna ng patuloy na sigalot sa kanilang pamilya.
Ito ay sa kabila ng mga paninira na kanilang natatanggap mula sa iba nilang followers sa Instagram—bagay na hindi nila maiwasan dahil parehong aktibo ang magkapatid sa nasabing photo-sharing site.
Four days ago ay nag-post si Marjorie sa kanyang Instagram ng mga salitang “Too much,” na pinaniniwalang reaksiyon niya sa mga binitawang pahayag ng mga magulang laban kay Gretchen kamakailan.
Noong Martes, September 3, isang online user ang nagbigay ng payo kay Marjorie na sana ay tumanaw ito ng utang na loob sa kapatid na si Claudine, na siya raw tumulong noong panahong nangangailangan ang una.
At sa tono ng pananalita nito ay lumalabas na animo'y mayroon itong nalalaman tungkol sa dating alitan umano sa pagitan nina Marjorie at Gretchen.
Sabi ni @annieganda28, “Naalala ko po pa yng pinalayas po kau nims.@gretchenbarretto ng disoras ng gabi kau po ng buong pamilya mu di b po c @claubarretto lang po nandiyan para 2lungan ka at halos ituring na nia na anak ang mga anak mu alam po nio pati pti po ng exhubby po nio kya po sana ngayon 2lngan nman po nio cia lalo na ngyn na ikaw ang meron.. dip o nio pwd denied na pnlyas po kau ni @gretchenbarretto ksi po yng bahay nay n malapiy po dun naktra yng family frend po nman sobra po cia naawa sainyo nun bti na nga lang po tinulungan kayo ni @claubarretto that time ksi yn po yng time na wala po kau ng exhubby po nio.. sobra kop o kau like magkapatid kyasana ngyn cia yung down damayan po nio cia patisana yung mga anak nio damayan nila ngyn ang mama pretty nila kasi mahal cla ni clau ng sobra special @danibarretto.”
Pinabulaanan naman ito ni Marjorie at sinabing pawang kathang-isip lang ang pinagsasabi ng kanyang follower sa Instagram tungkol sa away diumano nila noon ni Gretchen.
Sagot ni Marjorie, “@annieganda28 Please don’t make up a stories as dramatic as that. Walang nangyaring ganyan, sounds like a good script for Maalaala Mo Kaya.”
Dagdag pa ni Marjorie, malayong mangyari na magkabati sila ngayon ni Claudine at damayan ang bunsong kapatid sa gitna ng hiwalayan nila ng asawang si Raymart.
“Thanks for your advice but first you have to know what you are talking about. In reality, what you are saying that I should do is not possible.”