Hindi lang ang mga karaniwang tao ang naperwisyo sa mabigat na daloy ng trapiko na naranasan sa Metro Manila kasunod ng malakas na buhos ng ulan. Maging ang TV host-actress na si Kris Aquino, sumakay ng MRT para makaabot sa oras sa pupuntahan niyang event.
Sa kaniyang Instagram account na@krisaquino214, nag-upload ng dalawang larawan si Kris sa pagsakay sa MRT na inilarawan niyang "memorable experience."
"Me on the MRT. Made it to the awarding ceremony... People were so NICE. What a memorable experience," saad ni Kris sa caption ng isa niyang larawan.
Umani naman ng mga positibong komento ang mga larawan ni Kris mula sa kaniyang mga followers.
*myraloyola217 @krisaquino214 pumila din po ba kayo pra mkpsok at makabili ng ticket pagsakay ng mrt hehehe atleast pk paminsan minsan nattry nyo din pano maging isang ordinaryong tao gaya namin. Hindi lang yun panay kaway sa mga tao habang nkskay sa magarang sskyan nyo.. We salute you!!! @krisaquino214
*chat_graf Bakit pag si @krisaquino214 nagpicture sa mrt, nag mukang sa HK. Haha! But this one's really a humbling experience for sure! :)
*carmela_una @krisaquino214 you're an icon to be idolized! committed to your commitments, there's always a way for everything. A very down to earth artist riding in MRT.🚉🚞🚃😃👍
*lilia2365 Hi.. ms krissy so humble!! Fun fun to ride in mrt gorious girl..kya like kita;)
lala0115 U really ❤ what ur doing. Ang ganda pag may nakikita akong ginagawa mo na iba sa kinalakihan mo. ung hindi mo akalain n mgagawa mo. nung nkita ko ito u made me smile ms. @krisaquino214. ❤👍😊
*haraya_santi In moments like this, you bring happiness and empathy to your fellow kababayans! Nice one Ms. Kris!
Baha
Dahil sa biglang malakas na buhos ng ulan, ilang bahagi ng Metro Manila ang nalubog sa hanggang baywang na tubig, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority said.
Sa posts sa Twitter account ng MMDA sinabi na waist-deep ang baha sa C5 Hypermart area sa Pasig City.
Pahirapan din ang paglusong ng mga sasakyan sa hanggang tuhod na baha sa Mindanao Avenue cor North Avenue sa Quezon City.
Sa C5-Libis-Citibank area, gutter-deep ang baha at ganundin sa EDSA corner Main Avenue.
Tire deep naman ang baha sa EDSA Megamall northbound at gutter-deep sa EDSA Kamayan hanggang Mazda southbound.
May bahagi rin ng EDSA corner Quezon Avenue ang hindi nadaanan ng maliliit na sasakyan, at tire deep naman ang tubig sa EDSA corner Gate 4 northbound.
Inihayag naman ng public information office ng Marikina City na ilang bahagi rin sa lungsod ang nalubog sa baha. Kabilang dito ang Katipunan Extension, Rainbow street, Aquamarine Street, at Pio del Pilar Street