One of my dream projects is to work with super child sensation Ryzza Mae Dizon especially after I guested on her show several months ago (gusto ko sIyang isilid sa bag ko, then i-take home! Chos!). Fortunately, the dream came true and my guesting paved the way to a very good project together (oops.. di pa raw puwede i-reveal!).
Still, the following are trivias about this Aling Maliit which I learned from our one whole day shoot (may shooting na naganap?!). I actually felt like her long-lost mother (nawawala ang nanay?!)! Oh well, speaking of mother, Ryzza’s mother, Rizza, was one of the people who shared some secrets of the little girl during that “bonding” time (feeling close kasi sakin si mother! Hahaha!). Here’s an excerpt of my conversation with Mommy Rizza and Ryzza Mae:
MF: “Hindi ba napapagod si Ryzza?” (Just imagine that day, after our shoot, she had to attend to a presscon and then shoot a film… lumalagare ang aling maliit!)
Mommy: “Hindi nga e. Never ko siya nakitang napagod o nagreklamo. Basta kailangan lang pag break, may libangan like ipad o cellphone, masaya na ’yan.”
MF: “Techie si Ryzza?”
Mommy: “Naku oo! Mahilig yan sa games, sa Instagram at marunong siya kumuha ng password ng laptop mo o ng cellphone mo!”
MF: “Hacker ang bagets?!”
Mommy: “Nalaman niya password ng Facebook ng ate niya, tapos pag binuksan mo yung phone mo at nakita nya paano mo binuksan phone mo, kahit mabilis pagpindot ng password, makukuha niya!”
MF: “Paano niyo nalaman?”
Mommy: “Isang araw sinabihan ako ni Ryzza, na pagsabihan ko raw ate niya kasi baka di makapagtapos ng pag-aaral kasi may nabasa raw siya sa Facebook account ng ate niya. Parang matanda kung makipag usap sa akin..”
MF: “Pumapasok pa ba sya sa school? Anong grade na? Kaya pa ba ng sched nya?”
Mommy: “Opo. Grade 3 na siya, pumapasok siya sa umaga bago mag show tapos pagtapos ng ‘Eat Bulaga,’ babalik ulit siya sa school. Siyempre gusto po namin, na di pabayaan ang pag-aaral niya…”
MF: “Very good naman pala ang bagets… basta di ko bubuksan ang phone ko pag nandyan siya!”
(Segue to Ryzza Mae, before camera rolls for the shoot…)
MF: “Balita ko magaling ka raw makahula ng password sa laptop o cellphone…”
Ryzza: “Opo, si kuya Alden Richards nga nagpalit na po ng password…”
MF: “Paano mo nalalaman?”
Ryzza: “Tinitingnan ko lang po kung paano niya bubuksan.”
MF: “Teka picture nga tayong dalawa… pero di ako marunong kumuha na ako may hawak.”
Ryzza: “E di ako na po, ganito lang po…” (sabay kuha ng phone ko, at pindot! techie nga ang bagets, marunong mag-selfie!)
MF: “Ano ba gusto mo paglaki mo?” (hopefully hindi hacker ang isagot!)
Ryzza: “Chef po.”
MF: “Bakit chef? Sino nagsabi na mag-chef ka?”
Ryzza: “Nag guest po kasi ako kay Ms. Jessica (Soho), pinagluto ako doon. Doon ko po nagustuhan.”
MF: “Ano lulutuin mo pag chef ka na?”
Ryzza: “Gusto ko po magluto ng Adobo po, favorite ko po ’yun at cake. Magbake po ako ng cake and cookies.”
MF: “Yun lang? balita ko matakaw ka e… Ano pa gusto mo?”
Ryzza: “Sardinas po. Gusto ko rin po.”
MF: “Wow pareho tayo, kaya tayo pinagtagpo ngayon! Nang dahil sa sardinas! Push! Teka, kilala mo pa ba ako… nag guest nako sayo. Sino nga ako?”
Ryzza: “Si Mr. Fu po, yung bayot.” (remember, she asked me on her show “Mr. Fu, bayot po ba kayo?”)
MF: “Ang galing naalala mo pa talaga yung bayot. May bayot ba na may muscles like me?”
Ryzza: “Opo, di ba sabi niyo uso yung machong bayot” (oh well I really said that during my guesting on her show!)
During the shoot, it was expected that she had to do some scenes several times, but you won’t see her complain. She would still smile and do her part. I was, of course, supporting her with our scenes together. I would say: “Ok lang yan” if she needed to repeat some parts. Until the director said: “Ok, very good Ryzza, ang susunod nating kukuhanan yung Cha-Cha ha…”
She suddenly looked at me and whispered: “Ayan po, sa Cha-Cha, di na po ako maraming take…”
I laughed and said: “Dahil dyan… bigyan kita ng… maraming password!”
Mr. Fu hosts on 106.7 Energy FM, 8 a.m. Monday to Friday and TV5: @mrfu_mayganon)