Claudine Barretto on estranged husband Raymart Santiago: "Galit na galit na ako! Manginig na siya!"


By on 6:05 PM

Tumangging magbigay ng pahayag si Claudine Barretto nang matanong tungkol sa kapatid niyang si Gretchen Barretto.
“No comment. I just want to live my life,” sabi ni Claudine sa pagpapatuloy ng panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media kagabi, August 22.
Ano ang nararamdaman ni Claudine na tila naiipit ngayon ang mga pamangkin niya kina Marjorie at Gretchen sa alitan nilang magkakapatid. Dati kasi ay may Instagram posts pa ang kanyang mga pamangkin kung saan tinawag siya ng mga ito na “best tita ever.”
“Para akong namatayan ng mga anak. Yun lang,” nangingilid ang luhang sagot ni Claudine.
“And I just really pray that yung mga in-invest kong pagmamahal sa mga pamangkin ko throughout the years, sana huwag nila makalimutan yun.
“And I am so proud of them and there’s nothing, paulit-ulit kong sasabihin, na hindi ko gagawin para sa kanila…
"I’m so proud of Julia, Claudia and Danny and Dominique… and all my nephews and my nieces.
“And if there’s anything that I want for them is to be brighter and bigger.
“And you know, malagpasan pa nila, you know, lahat ng mga awards na natamo ko, natamasa ko.
“And God knows my heart.
“I took care of these children. And ang daming taong naka-witness nun.  Huwag naman nilang kalimutan… sana.”