Sheryl Cruz commends and supports cousin Sunshine Cruz


By on 9:15 PM

Magkasama sa upcoming fantasy series ng ABS-CBN na Galema, Anak Ni Zumaang magpinsang sina Sheryl Cruz at Sunshine Cruz.
Matatandaang nagkaroon noon ng samaan ng loob sa pagitan ni Sheryl at ni Sunshine at iba pa nilang pinsan dahil sa hindi pag-uwi ni Sheryl mula sa Amerika nang mamatay ang kanyang ama na si Ricky Belmonte.
Ngunit nang magbalik sa Pilipinas si Sheryl ay nagkaayos din ang magpipinsan kalaunan.
Masaya raw si Sheryl sa pagsasama nila ni Sunshine sa Galema.
“It is a reunion, very welcome reunion kasi nga okay naman kami ng pinsan ko.
“I’m very happy kasi nakikita ko naman na nag-mature siya sa craft niya pag napapanood ko ang teleserye niya ngayon,” sabi ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
SUPPORT FOR SUNSHINE. Ngayong may pinagdadaanan si Sunshine sa kanyang marriage life ay nakasuporta rin daw si Sheryl sa pinsan.
Sabi niya, “Very proud of her at sa lahat ng tina-tackle niya sa kanyang personal life. I also commend her and I support her.
“Siyempre, I’m saddened. This is her life and she’s already a grown woman and she knows what decisions to make, especially if it’s not only for herself but for the well-being of her children.” 
Dagdag niya, “I think it’s best to give her space kasi I also went through that.
“Maybe different ang aming senaryo at saka instances na nangyari, pero siyempre you wouldn’t want that to happen to anyone naman—yung nagkakahiwalay—especially they have kids.”
Matagal nang hiwalay si Sheryl sa kanyang asawa na si Norman Bustos, isang police officer sa San Francisco, California.
Patuloy pa ng aktres, “I think she has a good head on her shoulders and malakas naman at malalim ang pananampalataya niya sa Panginoon kaya I’m sure na maraming tao ang sumusuporta sa kanya.
“Siyempre kahit papaano nauunawaan ko siya.