American Idol finalists, excited matikman ang Pinoy foods, mag-shopping


By on 4:43 AM

Masaya ang American Idol Season 11 finalists – na kinabibilangan ng dugong Pinoy na si Jessica Sanchez – sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga Pinoy fans nang dumating sila bansa para sa kanilang concert sa Smart Araneta Coliseum sa Biyernes.

Sa press conference na ginanap sa Manila Hotel nitong Martes, ipinaabot ni Elise Testone ang lubos nitong pasasalamat sa mga Filipino fans. Ito’y dahil sa wala umanong sawang pagsuporta sa kanila mula pa nang magsimula ang kanilang season sa naturang sikat na singing contest sa US.

Masaya ring ipinaalam ng AI finalists na gusto nilang matikman ang lutong Filipino.

Ayon kay Jessica, gusto na niyang makatikim ng "home cut" Filipino meal. Bukod dito, excited din ang AI runner-up na mapag-aralan ang kulturang Filipino.

Si Hollie Cavanaugh, gusto raw niyang mag-shopping sa bansa kasama si Jessica.

American Idol Season 12

Excited naman ang AI finalists sa mga bagong judges ng sikat na singing contest.

Matapos mawala sina Jennifer Lopez at Steven Tyler, makakasama na ni Randy Jackson sa bagong season ng AI sina Nicki Minaj, Keith Urban, at Mariah Carey.

Ayon kay Skylar Laine, excited siya dahil ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng country performer bilang judge.

Samantala, "just be yourself" ang simple pero mahalagang payo ng Top 3 na sina Phillip Phillips, Jessica Sanchez, at Joshua Ledet sa mga nagnanais sumali ng AI.

Dagdag ni Phillip, kailangan din maging masaya ang kalahok sa kanyang ginagawa para magtagumpay ito sa kakerang gustong tahakin.

Kasama nina Jessica, Phillip, Skylar, Joshua at Hollie na na magtatanghal sa Biyernes sina Erika Van Pelt, Heejun Han, Deandre Brackensick, at Colton Dixon.