Judy Ann Santos on negotiating with other networks: "First option will always be ABS."


By on 4:32 AM

Hindi itinago ni Judy Ann Santos ang kanyang nararamdaman sa tila parehong kapalaran nila ng asawang si Ryan Agoncillo.
Pareho kasing magtatapos na ang mga TV show nilang malapit sa kanilang mga puso—ang Huwag Ka Lang Mawawala ni Juday sa ABS-CBN at ang Talentadong Pinoy ni Ryan sa TV5.
Reaksiyon ni Juday, “Happy-sad… happy kasi makaka-move on ka sa ibang proyekto, magiging mature ka sa mga iba pang darating na projects, di ba?
"Sad kasi family yun, e [mga taong bumubuo sa show].
"Family yung maghihiwa-hiwalay, family yung magtatapos, at saka kahit saang anggulo mo namang tingnan, highs and lows, magkakasama kayo, di ba?
 
"Kahit hindi artista, kahit kayo bilang entertainment press, you have your own family professionally.
“So, mag-end man ang kahit na anong programa, masakit, pero lahat naman ito may rason.
"Yung rason makikita natin iyan maybe not now... siguro two, six months down the road makikita natin kung bakit kinailangan niyang matapos.
"Siguro para lahat din tayo makagawa ng iba pang mas magandang proyekto.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Judy Ann sa farewell presscon ng Huwag Ka Lang Mawawala na inihanda ng Dreamscape Entertainment Television at ABS-CBN para kina Judy Ann at KC Concepcion noong Agosto 15, Huwebes, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.
NO MARITAL PROBLEMS. Sa presscon ay hindi napigilang maiyak at maging emosyonal ni Juday.
Bagamat ipinaliwanag na niya na dahil nga ito sa pagtatapos agad ng kanyang teleserye, hindi pa rin maiwasang ikonek ng ibang press ang kanyang pag-iyak sa isyung may pinagdadaanan umano silang problema ni Ryan sa kanilang relasyon.
Pero mariin itong pinabulaanan ni Juday.
Sabi ng aktres, “Naku, wala, wala at all, as in promise wala.