Inilabas na ng Senado ang talaaan ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga nanalong senador nitong nakaraang 2013 elections.
Ayon sa ulat ng Balitanghali ng GMA News TV ngayong araw, August 17, si Senator Cynthia Villar ang lumabas na pinakamayaman sa labindalawang neophyte lawmakers dahil sa kanyang total assets na nakatala sa P1.2 B.
Nasa ikalawang puwesto naman ang anak ng King of Philippine Movies at dating Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman na si Senator Grace Poe-Llamanzares na may kabuuang yaman na umabot sa P147.8 million.
Nasa ika-labindalawang puwesto naman si Senator Antonio Trillanes sa kanyang total na P4.2M.
Narito ang kumpletong ranking ng yaman ng 12 Senators na nanalo nitong May 2013 elections:
1. Cynthia Villar P1.2B
2. Mary Grace Poe-Llamanzares P147.8 M
3. Juan Edgardo Angara P93.8 M
4. Joseph Victor Ejercito P72.1M
5. Ma. Lourdes Nancy Binay-Angeles P63.9M
6. Loren Legarda P41.9M
7. Alan Peter Cayetano P22.5 M
8. Gregorio Honasan P20.9M
9. Paolo Benigno Aquino IV P18.2M
10. Aquilino Martin Pimentel III P17M
11. Francis Joseph Escudero P7.9M
12. Antonio Trillanes P4.2M